Kung kailangan mo ng isang kausap
Di na kailangang sa malayo maghanap
Nandito lang ako′t sayo'y magkikinig
Tutulungan kang bumangon at mag-isip
Nandito lang ako para sa iyo
Umulan man o umaraw, sa unos man o bagyo
Anumang suliraning haharapin mo
Wag kang mag-alala, nandito lang ako
Nandito lang ako, laging kasama mo
Sa pagtawa o pagluha, laging nasa tabi mo
Hanapin mo lamang, nariyan sa iyong puso
Di ka nag-iisa, nandito lang ako
Kung hindi mo na mapigilang umiyak
Nagdurugo ang ′yong pusong nabibiyak
Tumawag ka lang sa 'kin, ako'y pupunta
Di kita pababayaan na mag-isa
Nandito lang ako para sa iyo
Umulan man o umaraw, sa unos man o bagyo
Anumang suliraning haharapin mo
Wag kang mag-alala, nandito lang ako
Nandito lang ako, laging kasama mo
Sa pagtawa o pagluha, laging nasa tabi mo
Hanapin mo lamang, nariyan sa iyong puso
Di ka nag-iisa, nandito lang ako
Iwanan ka man ng lahat sa paligid mo
Di ka mag-iisa, nandito lang ako
Nandito lang ako para sa iyo
Umulan man o umaraw, sa unos man o bagyo
Anumang suliraning haharapin mo
Wag kang mag-alala, nandito lang ako
Nandito lang ako, laging kasama mo
Sa pagtawa o pagluha, laging nasa tabi mo
Hanapin mo lamang, nariyan sa iyong puso
Di ka nag-iisa, nandito lang ako
Nandito lang ako, nandito para sa iyo
Lahat ng problema′y kakayanin mo
Tutulungan kita, di ka nag-iisa
Dahil nandito lang ako